Monday, September 19, 2016

Mga naiwang alaala ni Jose Rizal


                                         Ang Pagiging Bayani ni Jose Rizal


Isipin mo. Madali bang maging bayani? sa aking palagay ay mahirap maging bayani dahil ang pagiging bayani ay pagsasakripisyo at paggawa ng tama. Isipin mo na lang ang iyong pamilya. Kaya mo bang ipagpalit ang kanilang tahimik na pamumuhay para sa iyong bayan? Siguro sa panahon ni Rizal maaaring maging katulad niya kaming mga kabataan ngayon dahil nabubuo ang personalidad ng isang tao base sa buhay na nakagisnan niya.

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda na mas kilalang Dr. Jose Rizal ay namuhay sa kalagitnaan ng panahong 19 na siglo, isinilang noong June 19, 1861 at namatay noong December 30, 1896. Noong 19 na siglo, sa panahong ito maraming bansa ang naghahangad ng kalayaan at uso sa buong mundo ang pag-aalsa sa mga mapang-abusong mananakop. Marahil dahil naging bayani si Rizal at maraming taong nagbuwis ng buhay para sa bansa ay dahil sa mga naganap noong sila ay namumuhay pa. 


Bago mamatay si Rizal siya ay kinulong sa Fuerte de Santiago na ang ibig sabihin ay Moog ng Santiago na ang tawag ngayon ay Fort Santiago nasa loob ito ng Intramuros ang pinaka- makasaysayang lugar sa Pilipinas.

Ang Walled City, Intramuros


Fort Santiago
                                                                      ***

                                      Ang Fort Santiago: Kuta ng Santiago



Ang Intramuros ay kasalukuyang nasa manila nasa baba nito ang Rizal Park, at katabi lang ng Pasig River. Ang Fort Santiago naman ay makikita sa bandang Hilagang kanluran ng Intramuros.

Ang Fort Santiago ay unang ipinatayo ng isang Spanish conquistador, Miguel Lopez de Legazpi noong 1572 maraming mga bilanggo ang namatay sa kulungan sa Fort Santiago sa panahon ng pamamalakad ng mga espanyol at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinangalan kay St, James the Great na mas kilalang Santiago. Ang gate ng Fort Santiago ang pinakamatibay sa lahat at nasisilbing depensa ng mga espanyol.

 Ito ang dating anyo ng Fort Santiago noong itoy maayos pa.(1880)

      Panahon ng Ikawalang Digmaang Pangdaigdig

Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. ang Fort Santiago ay nasakop ng mga Japanese Imperial Army, at ginawang kulungan ito nga mga bilanggo at lalagyanan ng mga gunpowder kung saan napakaraming bilanggo ang pinatay na karumaldumal. Sa panahong din iyon nasira ang gate nito. Halos 600 na mga amerikano ang namatay dahil sa gutom at mahigpit na pagpaparusa sa kanila ng mga hapon.







Rizal sa Fort Santiago

Sa Fort Santiago isinulat ni Rizal ang kanyang tula na "Mi Ultimo Adios" ng mabilanggo siya dito ng 56 na araw bago siya barilin sa Bagumbayan na tinatawag ngayong Rizal Park o Luneta Park.

                                                                    ***

                          Rizal Shrine: Rizal's Lifeworks 

Ang Rizal Shrine ay itinayo para sa mga sining,tula at iba pang nagawa ni Rizal ito ay matatagpuan sa Santa Clara St. ng Fort Santiago Manila. Itinayo ito noong 1953 at ipnaganda noong 2013. Ang mga makikita sa loob nito ay mga libro, mga gamit pang-medisina, mga damit, mga sumbrero, ni Rizal at iba pa.

  Sa loob nakitamin halos lahat ng mga ginawa ni Rizal ang mga sining, agham at iba pa. Ang tanging bawal gawin sa loob ay gumamit ng flash sa pagpipicture.

Rizal Shrine Front Door


Apogonia Rizali and Draco Rizali

Rizal in cell writing


Rhacophorus Rizali

 Rizal Park: Bagumbayan

Ang Liwasang ni Rizal ay ang pinaka makasaysayang parke sa Pilipinas. Tinawag itong Luneta dahil sa hugis ng kalahating buwan. May lawak itong 60 Ektarya at magandang pasyalan dahil sa maaliwalas na hangin na nagmumula sa mga puno at halaman. Makasaysayan ito dahil dito ang huling destinasyon na nanggaling si Gat Jose Rizal, dito siya binaril. Ang Rebulto ni Rizal ay gawa sa tanso na binabantayan ng mga marinong sundalo.


 Ang monumento ni Rizal ay ipinatayo ng mga amerikano sa pamamagitan ng Act. no.243 at naaprubahan ni Roosevelt nonng Sept. 28,1901. Ang orihinal na pangalan ng Rizal Park at Motto Stella na ang ibig sabihin ay "Patnubay na Bituwin", ipinangalan ito ng isang swiss na iskulptor na si Richard Kissling.





Pagiging Bayani

Sa aming paglalakbay sa mga naiwang alala ni Jose Rizal sa mga lugar na ito masasabi naming napakagiting, napakasipag, at napakatalino ng ating bayani. Dapat nating ipagmalaki ang ating bansa dahil sa napakayaman natin sa kasaysayan at sa mga taong nabuwis ng buhay para makamit natin ang ating kalayaan.

Kaya dapat bilang mga kabataan mahalin natin ang ating bansa dahil parang iisang pamilya tayo, ang pamilya nagtutulungan. Dpat tangkilikin natin ang sariling atin dahil mayaman ang ating kultura kagaya na lamang ng iba at dapat maging mabuting mamamayan tumutulong sa kapwa at may pusong nasyonalismo.

Bilang mga mag-aaral, napakasayang makapunta sa mga lugar na kagaya nito dahil hindi lang sa kagandahan ng mga lugar at magandang pasyalan na nandito maipapaalala pa saating mga Pilipino ang pagiging makabayan at kung paano naghirap ang mga Pilipino noong panahong pinahihirapan tayo ng mga sumakop saatin dahil dito binubuhay ng mga lugar na ito ang ating pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino.

Sa aming paglalakbay, napatunayan naming karapat dapat si Jose Rizal bilang ating bayani hindi lamang sa kanyang mga nagawa kundi sa natural niyang pagmamahal sa bayan. Kaya't napakahalagang maunawaan at makilala ng husto si Jose Rizal at mapuntahan ang mga lugar na kanyang napuntahan at makita ang mga nagawa niya. Nagpapasalamat ako sa proyekto na ito ( Travel: Rizal Legacy ) dahil layunin nito na makilala namin ng husto ng mga mag-aaral si Jose Rizal at makita ang mga lugar na pinagdaanan niya. Nagpapasalamat din kami sa aming guro na si Sir Fulo na patuloy na ipinasasagawa sa mga mag-aaral ang proyektong ito.

Sa paggawa ng lahat ng ito ay maituturing gawain ng isang bayani kagaya ni Jose Rizal mahal niya ang bansa at mahal niya din ang mga nakatira dito. Sabi nga ni Pepe "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan".

Itinerary: Gabay sa Paglalakbay

Para sa mga nagbabalak na makita ang nakita naming napakagandang kasaysayan ng Pilipinas at gustong makita ang kabayanihan ni Jose Rizal.


 Mula Quezon City Polytechnic University sa San Bartolome sumakay kaming mga Group A Dimasalang_Puti ng jeep papuntang Blumintritt(P24)






No comments:

Post a Comment